Tuesday, January 28, 2014

Matagal kitang tinititigan, Sinuri bawat detalye ng iyong mukha -- mata, ilong bibig, kilay at kahit ang mga guhit sa iyong labi, Madalas kitang pagmasdan ngunit kahit kailan ay di pa nahawakan, Sa tuwing magdadaop ang ating mga palad, Ika'y nagiging buhanging unti-unting nahuhulog sa puwang sa pagitan ng aking mga daliri, Sa tuwing ika'y yayakapin, Ika'y nagiging usok at ako'y naiiwan lamang na yakap ang sarili, Ilang ulit kong ninais ilapat ang aking kamay sa iyong dibdib, Upang madama ang pintig ng puso mong aking pinangarap mapaibig, Ngunit sa tuwing isang dangkal na lamang ang layo ng aking palad sa iyo, Ika'y bigla na lamang naglalaho, Ilang beses kong sinubukan, paulit-ulit ngunit ika'y sadyang di mahawakan, Hanggang sa dumating sa puntong ika'y akin na lamang hinayaan, At iniwasan na lamang ding tingnan.
Matagal kitang tinititigan,
Sinuri bawat detalye ng iyong mukha -- mata, ilong bibig, kilay at kahit ang mga guhit sa iyong labi,
Madalas kitang pagmasdan ngunit kahit kailan ay di pa nahawakan,
Sa tuwing magdadaop ang ating mga palad,
Ika'y nagiging buhanging unti-unting nahuhulog sa puwang sa pagitan ng aking mga daliri,
Sa tuwing ika'y yayakapin,
Ika'y nagiging usok at ako'y naiiwan lamang na yakap ang sarili,
Ilang ulit kong ninais ilapat ang aking kamay sa iyong dibdib,
Upang madama ang pintig ng puso mong aking pinangarap mapaibig,
Ngunit sa tuwing isang dangkal na lamang ang layo ng aking palad sa iyo,
Ika'y bigla na lamang naglalaho,
Ilang beses kong sinubukan, paulit-ulit ngunit ika'y sadyang di mahawakan,
Hanggang sa dumating sa puntong ika'y akin na lamang hinayaan,
At iniwasan na lamang ding tingnan.


No comments:

Post a Comment